Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento sa likod ng viral Oblation Run proposal, mapapanood sa 'Wagas'


 

#WagasOblationLoveStory



"THE PROPOSAL"
Starring Kristoffer Martin and Louise delos Reyes
Viral Oblation Run Proposal: The Krizzy Martinez & Patrick Lacsamana Love Story

Naaalala niyo pa ba ang viral video ng isang lalaking tumakbo sa Oblation Run at doon nag-propose sa kanyang girlfriend?



Ngayong Sabado sa WAGAS, tutunghayan natin ang kabuuan ng kanilang love story.

Parehong broken-hearted sina Krissy at Patrick sa kanilang huling relasyon. Hindi inaasahang magiging magkaibigan sila dahil sa Facebook. Doon nila makikilala ng lubos ang isa't isa at malalamang halos magkapitbahay lang pala sila. Malalaman din ni Patrick na 15 anyos lamang si Krissy nang ma-stroke kaya hanggang ngayon ay hirap makalakad ang dalaga. Pero habang nakikilala ni Patrick si Krissy, lalong nahuhulog ang kanyang loob dito. Niligawan niya si Krissy at nagsimula ang malalim na pag-iibigan.



May takot pa rin si Krissy na maulit sa kanya ang ginawa ng dating kasintahan. Kaya pinatunayan ni Patrick ang kanyang wagas na pag ibig nang magpropose ito matapos mag-Oblation Run na naging viral sa social media. Ngayon ay naghahanda na sila sa kanilang kasal.



Sama-sama tayong kiligin at ngumiti sa natatanging kwento ng pag-ibig na ito tampok sina Kristoffer Martin at Louise de los Reyes sa WAGAS ngayong SABADO, 7PM, sa GMANEWSTV!

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory